akala ko wala ka na,
bakit ngayon nagbabalik ka?
iniwan mo akong luhaan,
taon na ang nagdaan,
nakaya ko ang pagbangon,
nakalimot ako sa pagdaan ng panahon.
heto ako ngayon,
matatag sa anumang alon.
bakit ka pa nakita
ngayong ako ay di na malaya?
minahal man kita,
iyon ay nakalipas na.
ngayon, puso ko ay pag-aari na ng iba,
ngunit kahit siya,
ay hindi ko pwedeng makasama.
naiintindihan mo ba
kung anong sakit ang nadarama?
unang pag-ibig ay di makakalimutan,
ngunit ang pagmamahal na naramdaman
mawawala din kapag labis na nasaktan.
sino nga ba ang talunan,
sa larangan ng pag-iibigan,
ang sagot ay hindi ko alam,
basta ang alam ko
mahal ko siya ng lubusan.
bakit ngayon nagbabalik ka?
iniwan mo akong luhaan,
taon na ang nagdaan,
nakaya ko ang pagbangon,
nakalimot ako sa pagdaan ng panahon.
heto ako ngayon,
matatag sa anumang alon.
bakit ka pa nakita
ngayong ako ay di na malaya?
minahal man kita,
iyon ay nakalipas na.
ngayon, puso ko ay pag-aari na ng iba,
ngunit kahit siya,
ay hindi ko pwedeng makasama.
naiintindihan mo ba
kung anong sakit ang nadarama?
unang pag-ibig ay di makakalimutan,
ngunit ang pagmamahal na naramdaman
mawawala din kapag labis na nasaktan.
sino nga ba ang talunan,
sa larangan ng pag-iibigan,
ang sagot ay hindi ko alam,
basta ang alam ko
mahal ko siya ng lubusan.
No comments:
Post a Comment