paano nga ba nagsimula?
paano ba kita nakilala?
natatandaan mo pa ba?
nagkakilala tayo ng hindi inaasahan.
pero mula ng araw na iyon
ramdam ko na noon pa
magbabago ang takbo ng buhay ko.ginulo mo ang tahimik kong puso,
nabagabag ang payapa kong damdamin,
nag-iba ang ikot ng aking mundo,
nagkakulay ang aking paligid..
nakakapagtaka gayong
hindi pa kita lubos na kilala.
pero tadhana nga ba ang may gawa?
Diyos nga ba ang naglapit sa atin?
ah...ang lahat ng katanungan
ay hindi na mahalaga
basta ang alam ko mahal na kita!
akala ko mananatili tayong masaya,
araw-araw nandiyan ka.
mahal mo ako, mahal din kita...
bakit ngayon nagpapaalam ka?
iiwan mo din pala ako...
mag-iisa ulit dito.
makakaya ko kaya?
tres años despues...
hindi ko alam paano ang umaga
pag-gising ko at wala ka na?
paano nga ba ang mag isa?
kung sa loob ng tatlong taon at mahigit ay kasama ka?
gigising ba ako sa umaga na wala kang
text?
wala ang araw-araw na pagbati mo sa akin,
wala ng magtatanong kung kumain na ako,
kung napagod ba ako sa trabaho...
kanino ko sasabihin mga sama ng loob,
ang mga bagay na kinatatakutan ko?
sino ang makikinig sa mga kwento ko,
sa mga jokes ko?
matatawa ka pa kaya pag naalala mo?
kanino ko isi-share mga pangarap ko?
paano ang gabi na hindi na tayo makakapag-usap?
paano ako mag-a-adjust gayong nasanay na ako,
gabi-gabi nag uusap bago tayo matulog.
paano nga ba?
mahirap...kaya ko ba?
ah...hindi ko alam..ang sigurado ko lang
iiyakan ko ang mga umaga na hindi ko
magigisnan ang pagbati mo,
ang mga gabi na makakatulugan ko
ang paghihintay sa tawag mo.
paano ako maglalakad sa kalsada na dati dinadaanan natin?
paano ako titingala sa langit kung maaalala ko ang pangalan mo?
paano nga ba ang mag isa?

No comments:
Post a Comment